3Tatawaging banal ang mga natirang buháy sa Zion, lahat ng nakatalang nabubuhay sa lungsod ng Jerusalem.
4Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon.
5Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa Jerusalem at sa mga nagtitipon doon kung araw at nagniningas na apoy naman kung gabi. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay parang isang malapad na tolda,
6at parang kubol kapag araw na magsisilbing lilim sa init at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.