Isaias 40

Nilikha ito ng Diyos na nakaupo sa kanyang trono sa ibabaw ng mundo. Sa paningin niya, ang mga tao sa ibaba ay parang mga tipaklong lamang. Iniladlad niya ang langit na parang kurtina, o parang isang tolda upang matirhan.

Isaiah 40:22 (UKJV) It is he that sits upon the circle of the earth, and the inhabitants thereof are as grasshoppers; that stretches out the heavens as a curtain, and spreads them out as a tent to dwell in:

20O sa matitigas na rebultong kahoy na hindi basta nabubulok, na ipinagawa ng taong dukha bilang handog? Ipinagawa niya ito sa magaling umukit para hindi bumuwal.

21Hindi nʼyo ba alam o hindi ba ninyo napakinggan? Wala bang nagbalita sa inyo kung paano nilikha ang mundo?

22Nilikha ito ng Diyos na nakaupo sa kanyang trono sa ibabaw ng mundo. Sa paningin niya, ang mga tao sa ibaba ay parang mga tipaklong lamang. Iniladlad niya ang langit na parang kurtina, o parang isang tolda upang matirhan.

23Inaalis niya sa kapangyarihan ang mga pinuno ng mundo at ginagawang silang walang kuwenta.

24Para silang mga tanim na bagong hasik sa lupa at halos hindi pa nagkakaugat. Hinihipan sila ng Panginoon at biglang nalalanta at tinatangay ng buhawi na parang ipa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.