Isaias 40

Tumingala kayo at tumingin sa langit! Sino ang lumikha sa lahat nang inyong nakikita? Siya na nagpalabas ng mga bituin ayon sa kanilang bilang at isa-isa silang tinatawag ayon sa kanilang pangalan. At dahil sa kapangyarihan at lakas niyang dakila, ni isa man sa kanila ay walang nawawala.

Isaiah 40:26 (UKJV) Lift up your eyes on high, and behold who has created these things, that brings out their host by number: he calls them all by names by the greatness of his might, for that he is strong in power; not one fails.

24Para silang mga tanim na bagong hasik sa lupa at halos hindi pa nagkakaugat. Hinihipan sila ng Panginoon at biglang nalalanta at tinatangay ng buhawi na parang ipa.

25Sinabi ng Banal na Diyos, “Kanino ninyo ako ihahalintulad? Mayroon ba akong kapantay?”

26Tumingala kayo at tumingin sa langit! Sino ang lumikha sa lahat nang inyong nakikita? Siya na nagpalabas ng mga bituin ayon sa kanilang bilang at isa-isa silang tinatawag ayon sa kanilang pangalan. At dahil sa kapangyarihan at lakas niyang dakila, ni isa man sa kanila ay walang nawawala.

27Kayong lahi ni Jacob, bakit kayo nagrereklamo? Kayong mga mamamayan ng Israel, paano ninyo nasasabi ito: “Ang landas namiʼy nakatago sa Panginoon; hindi niya pinapansin ang aming karapatan”?

28Hindi nʼyo ba alam? Hindi nʼyo ba narinig? Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos na lumikha hanggang sa dulo ng mundo. Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang pang-unawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.