Isaias 40

Hindi nʼyo ba alam? Hindi nʼyo ba narinig? Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos na lumikha hanggang sa dulo ng mundo. Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang pang-unawa.

Isaiah 40:28 (UKJV) Have you not known? have you not heard, that the everlasting God, the LORD, the Creator of the ends of the earth, faints not, neither is weary? there is no searching of his understanding.

26Tumingala kayo at tumingin sa langit! Sino ang lumikha sa lahat nang inyong nakikita? Siya na nagpalabas ng mga bituin ayon sa kanilang bilang at isa-isa silang tinatawag ayon sa kanilang pangalan. At dahil sa kapangyarihan at lakas niyang dakila, ni isa man sa kanila ay walang nawawala.

27Kayong lahi ni Jacob, bakit kayo nagrereklamo? Kayong mga mamamayan ng Israel, paano ninyo nasasabi ito: “Ang landas namiʼy nakatago sa Panginoon; hindi niya pinapansin ang aming karapatan”?

28Hindi nʼyo ba alam? Hindi nʼyo ba narinig? Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos na lumikha hanggang sa dulo ng mundo. Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang pang-unawa.

29Pinalalakas niya ang mga napapagod at ang mga nanghihina.

30Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.