Isaias 41

“Makinig ka! Gagawin kitang parang bagong panggiik, matalim at maraming ngipin. Gigiikin mo at dudurugin ang mga bundok at burol. Gagawin mo ito na parang ipa.

Isaiah 41:15 (UKJV) Behold, I will make you a new sharp threshing instrument having teeth: you shall thresh the mountains, and beat them small, and shall make the hills as chaff.

13Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.

14Kahit na maliit ka at mahina, huwag kang matatakot dahil ako mismo ang tutulong sa iyo,” sabi ng Panginoon, ang iyong Tagapagligtas, ang Nag-iisang Banal ng Israel.

15“Makinig ka! Gagawin kitang parang bagong panggiik, matalim at maraming ngipin. Gigiikin mo at dudurugin ang mga bundok at burol. Gagawin mo ito na parang ipa.

16Tatahipan mo sila at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng malakas na hangin. Ngunit ikaw ay magagalak sa Panginoon; magpupuri ka sa Banal na Diyos ng Israel.

17“Kapag nangangailangan ng tubig ang mga mamamayan kong dukha, at wala silang matagpuan, at kapag natutuyo na ang mga lalamunan nila sa uhaw, akong Panginoon ang tutulong sa kanila. Ako na Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.