Isaias 41

“Kapag nangangailangan ng tubig ang mga mamamayan kong dukha, at wala silang matagpuan, at kapag natutuyo na ang mga lalamunan nila sa uhaw, akong Panginoon ang tutulong sa kanila. Ako na Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.

Isaiah 41:17 (UKJV) When the poor and needy seek water, and there is none, and their tongue fails for thirst, I the LORD will hear them, I the God of Israel will not forsake them.

15“Makinig ka! Gagawin kitang parang bagong panggiik, matalim at maraming ngipin. Gigiikin mo at dudurugin ang mga bundok at burol. Gagawin mo ito na parang ipa.

16Tatahipan mo sila at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng malakas na hangin. Ngunit ikaw ay magagalak sa Panginoon; magpupuri ka sa Banal na Diyos ng Israel.

17“Kapag nangangailangan ng tubig ang mga mamamayan kong dukha, at wala silang matagpuan, at kapag natutuyo na ang mga lalamunan nila sa uhaw, akong Panginoon ang tutulong sa kanila. Ako na Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.

18Paaagusin ko ang tubig sa batis, dadaloy ito sa mga tuyong burol at magkakaroon ng mga bukal sa mga lambak. Gagawin kong tubigan ang ilang at ang mga lupang tigang ay magkakaroon ng mga bukal.

19Patutubuin ko sa ilang ang mga puno ng sedro, akasya, mirto, olibo, pino, enebro, at sipres,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.