Isaias 41

Sabihin ninyo sa amin kung ano ang mangyayari sa hinaharap para malaman namin na kayo ngaʼy mga diyos. Gumawa kayo ng mabuti o ng masama para kami ay magtaka at matakot sa inyo.

Isaiah 41:23 (UKJV) Show the things that are to come hereafter, that we may know that all of you are gods: yea, do good, or do evil, that we may be dismayed, and behold it together.

21Sinabi ng Panginoon, ang Hari ng Israel, sa mga diyos-diyosan, “Sige, magreklamo kayo at mangatuwiran!

22Lumapit kayo at sabihin sa amin kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Sabihin ninyo sa amin ang inyong mga sinabi noon na mangyayari para malaman namin kung nangyari nga ito.

23Sabihin ninyo sa amin kung ano ang mangyayari sa hinaharap para malaman namin na kayo ngaʼy mga diyos. Gumawa kayo ng mabuti o ng masama para kami ay magtaka at matakot sa inyo.

24Ngunit ang totoo, wala kayong silbi at wala kayong magagawa. Kasuklam-suklam ang mga taong pumili sa inyo para kayo ay sambahin.

25Pinili ko ang taong mula sa hilaga para mamahala. Dumudulog siya sa akin, at ngayon ay darating siya mula sa silangan. Wawasakin niya ang mga namamahala katulad ng pagyapak ng magpapalayok sa putik na gagawin niyang palayok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.