Isaias 42

“Sa mahabang panahon nagsawalang-kibo ako; nanahimik ako at pinigilan ang sarili ko. Ngunit ngayon, tulad ng babaeng nanganganak, akoʼy sisigaw, hihingal at uungol.

Isaiah 42:14 (UKJV) I have long time held my peace; I have been still, and refrained myself: now will I cry like a travailing woman; I will destroy and devour at once.

12Parangalan ninyo at purihin ang Panginoon kayong mga isla.

13Ang Panginoon ay lulusob tulad ng isang bayaning makisig, siyaʼy darating tulad ng isang mandirigma, puno ng galit. Isisigaw niya ang kanyang hudyat sa digmaan, at lulupigin niya ang lahat ng kanyang kaaway.

14“Sa mahabang panahon nagsawalang-kibo ako; nanahimik ako at pinigilan ang sarili ko. Ngunit ngayon, tulad ng babaeng nanganganak, akoʼy sisigaw, hihingal at uungol.

15Gigibain ko ang mga bundok at mga burol, at lalantain ko ang mga pananim. Gagawin kong tuyong lupa ang mga ilog at patutuyuin ko ang mga sapa.

16Aakayin ko ang mga mamamayan kong bulag, sa landas na hindi pa nila nadaraanan, silaʼy aking gagabayan. Pagliliwanagin ko ang kadiliman sa kanilang harapan at papantayin ko ang mga baku-bakong daanan. Gagawin ko ang mga bagay na ito; hindi ko sila pababayaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.