Isaias 42

Ngunit ang mga nagtitiwala sa mga diyos-diyosan, at ang mga itinuturing na diyos ang kanilang mga imahen ay tatakas dahil sa malaking kahihiyan.

Isaiah 42:17 (UKJV) They shall be turned back, they shall be greatly ashamed, that trust in graven images, that say to the molten images, All of you are our gods.

15Gigibain ko ang mga bundok at mga burol, at lalantain ko ang mga pananim. Gagawin kong tuyong lupa ang mga ilog at patutuyuin ko ang mga sapa.

16Aakayin ko ang mga mamamayan kong bulag, sa landas na hindi pa nila nadaraanan, silaʼy aking gagabayan. Pagliliwanagin ko ang kadiliman sa kanilang harapan at papantayin ko ang mga baku-bakong daanan. Gagawin ko ang mga bagay na ito; hindi ko sila pababayaan.

17Ngunit ang mga nagtitiwala sa mga diyos-diyosan, at ang mga itinuturing na diyos ang kanilang mga imahen ay tatakas dahil sa malaking kahihiyan.

18“Kayong mga bingi at bulag, makinig kayo at tumingin!

19Kayoʼy mga lingkod ko at mga pinili. Isinugo ko kayo bilang aking mga tagapagsalita, ngunit walang makakapantay sa inyong pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.