Isaias 42

“Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o ibahagi sa mga diyos-diyosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin.

Isaiah 42:8 (UKJV) I am the LORD: that is my name: and my glory will I not give to another, neither my praise to graven images.

6“Ako ang Panginoon na tumawag sa iyo para ipakita na akoʼy matuwid. Tutulungan at iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Gagawin kitang ilaw na magbibigay-liwanag sa mga bansa,

7para imulat ang mga mata ng mga bulag, at magpalaya sa mga binihag na ikinulong sa madilim na bilangguan.

8“Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o ibahagi sa mga diyos-diyosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin.

9Tingnan mo! Ang mga bagay noon ay nangyayari na, at ngayon ang ipinapahayag ko ay mga bagong bagay na; bago pa mangyari ang mga ito, ipinapaalam ko na saʼyo.”

10Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.