Isaias 42

Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar.

Isaiah 42:10 (UKJV) Sing unto the LORD a new song, and his praise from the end of the earth, all of you that go down to the sea, and all that is therein; the isles, and the inhabitants thereof.

8“Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o ibahagi sa mga diyos-diyosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin.

9Tingnan mo! Ang mga bagay noon ay nangyayari na, at ngayon ang ipinapahayag ko ay mga bagong bagay na; bago pa mangyari ang mga ito, ipinapaalam ko na saʼyo.”

10Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar.

11Purihin ninyo siya, kayong mga bayan na nasa ilang at kayong mga taga-Kedar. Umawit kayo sa tuwa, kayong mga taga-Sela. Isigaw ninyo ang pagpupuri sa tuktok ng mga bundok.

12Parangalan ninyo at purihin ang Panginoon kayong mga isla.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.