Isaias 45

Ako ang lumikha ng mundo at ng lahat ng taong naninirahan dito. Ang mga kamay ko ang nagladlad ng langit, at ako ang nag-utos sa araw, buwan at mga bituin na lumabas.

Isaiah 45:12 (UKJV) I have made the earth, and created man upon it: I, even my hands, have stretched out the heavens, and all their host have I commanded.

10Nakakaawa ang anak na nagsasabi sa kanyang mga magulang, ‘Bakit ba ninyo ako ginawang ganito?’ ”

11“Ito pa ang sinabi ng Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel, na lumikha sa kanya, Nagrereklamo ba kayo sa mga ginagawa ko? Inuutusan nʼyo ba ako sa mga dapat kong gawin?

12Ako ang lumikha ng mundo at ng lahat ng taong naninirahan dito. Ang mga kamay ko ang nagladlad ng langit, at ako ang nag-utos sa araw, buwan at mga bituin na lumabas.

13Ako ang tumawag kay Ciro para isagawa ang aking layunin. Gagawin kong tama ang lahat ng pamamaraan niya. Itatayo niyang muli ang aking lungsod at palalayain niya ang mga mamamayan kong binihag. Gagawin niya ito hindi dahil sa binigyan siya ng suhol o regalo. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”

14Sinabi ng Panginoon sa Israel, “Masasakop mo ang mga taga-Ehipto, ang mga taga-Etiopia at ang mga taga-Sabea na may matatangkad na lalaki. Paparito sila sa iyo na dala ang kanilang mga kayamanan at mga ani. Silaʼy magiging mga bihag mo. Luluhod sila sa iyo at magsasabi, ‘Ang Diyos ay totoong kasama mo, at wala nang ibang Diyos!’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.