Isaias 49

Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Sesenyasan ko ang mga bansa, itataas ko ang aking bandila at ibabalik nila sa iyo ang iyong mga anak na parang mga sanggol na kanilang kinalinga.

Isaiah 49:22 (UKJV) Thus says the Lord GOD, Behold, I will lift up mine hand to the Gentiles, and set up my standard to the people: and they shall bring your sons in their arms, and your daughters shall be carried upon their shoulders.

20Sasabihin ng mga anak mong isinilang sa panahon ng iyong pagdadalamhati, ‘Ang lugar na itoʼy napakaliit para sa amin. Kailangan namin ng mas malaking lugar.’

21At sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Sino ang nagluwal ng mga ito para sa akin? Namatay ang karamihan ng aking mga anak, at dahil doon akoʼy nagluksa. Ang iba sa kanila ay binihag at dinala sa ibang bansa, at nag-iisa na lamang ako. Kaya saan galing ang mga ito? Sino ang nag-alaga sa kanila?’ ”

22Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Sesenyasan ko ang mga bansa, itataas ko ang aking bandila at ibabalik nila sa iyo ang iyong mga anak na parang mga sanggol na kanilang kinalinga.

23Maglilingkod sa iyo ang mga hari at mga reyna. Sila ang mag-aalaga sa iyo. Luluhod sila sa iyo bilang paggalang, at magpapasakop sa iyo. Sa ganoon malalaman mong ako ang Panginoon, at ang mga nagtitiwala sa akin ay hindi mabibigo.”

24Mababawi mo pa ba ang mga sinamsam ng mga sundalong malulupit? Maililigtas pa ba ang mga binihag nila?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.