Isaias 49

At sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Sino ang nagluwal ng mga ito para sa akin? Namatay ang karamihan ng aking mga anak, at dahil doon akoʼy nagluksa. Ang iba sa kanila ay binihag at dinala sa ibang bansa, at nag-iisa na lamang ako. Kaya saan galing ang mga ito? Sino ang nag-alaga sa kanila?’ ”

Isaiah 49:21 (UKJV) Then shall you say in yours heart, Who has begotten me these, seeing I have lost my children, and am desolate, a captive, and removing back and forth? and who has brought up these? Behold, I was left alone; these, where had they been?

19“Nawasak ka at pinabayaang giba, ngunit ngayon ay titirhan ka na ng iyong mga mamamayan. Hindi na sila halos magkakasya sa iyo. At ang mga nagwasak sa iyo ay lalayo na.

20Sasabihin ng mga anak mong isinilang sa panahon ng iyong pagdadalamhati, ‘Ang lugar na itoʼy napakaliit para sa amin. Kailangan namin ng mas malaking lugar.’

21At sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Sino ang nagluwal ng mga ito para sa akin? Namatay ang karamihan ng aking mga anak, at dahil doon akoʼy nagluksa. Ang iba sa kanila ay binihag at dinala sa ibang bansa, at nag-iisa na lamang ako. Kaya saan galing ang mga ito? Sino ang nag-alaga sa kanila?’ ”

22Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Sesenyasan ko ang mga bansa, itataas ko ang aking bandila at ibabalik nila sa iyo ang iyong mga anak na parang mga sanggol na kanilang kinalinga.

23Maglilingkod sa iyo ang mga hari at mga reyna. Sila ang mag-aalaga sa iyo. Luluhod sila sa iyo bilang paggalang, at magpapasakop sa iyo. Sa ganoon malalaman mong ako ang Panginoon, at ang mga nagtitiwala sa akin ay hindi mabibigo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.