Isaias 5

Sa araw na iyon, manginginain ang mga tupa na para bang nasa sariling pastulan, at kakain ang mga pinatabang tupa at batang kambing sa nawasak na lungsod ng mga mayayaman.

Isaiah 5:17 (UKJV) Then shall the lambs feed after their manner, and the waste places of the fat ones shall strangers eat.

15Kaya ibabagsak ang lahat ng tao, lalo na ang mga mapagmataas.

16Ngunit ang Panginoon ng mga Hukbo ay dadakilain sa kanyang katarungan. Patutunayan ng Diyos na siyaʼy banal sapagkat matuwid ang kanyang paghatol.

17Sa araw na iyon, manginginain ang mga tupa na para bang nasa sariling pastulan, at kakain ang mga pinatabang tupa at batang kambing sa nawasak na lungsod ng mga mayayaman.

18Kahabag-habag kayong binubuntutan sa kasalanan kayong paghahabi ng kasinungalingan ang pinagkakaabalahan, hindi na kayo makakawala sa gapos ng inyong panlilinlang.

19Sinasabi nʼyo pa, “Bilis-bilisan sana ng Banal na Diyos ng Israel na gawin ang sinabi niyang kaparusahan upang makita na namin. Magkatotoo na nga ang kanyang plano, upang malaman namin ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.