Isaias 5

Kahabag-habag kayong binubuntutan sa kasalanan kayong paghahabi ng kasinungalingan ang pinagkakaabalahan, hindi na kayo makakawala sa gapos ng inyong panlilinlang.

Isaiah 5:18 (UKJV) Woe unto them that draw iniquity with cords of vanity, and sin as it were with a cart rope:

16Ngunit ang Panginoon ng mga Hukbo ay dadakilain sa kanyang katarungan. Patutunayan ng Diyos na siyaʼy banal sapagkat matuwid ang kanyang paghatol.

17Sa araw na iyon, manginginain ang mga tupa na para bang nasa sariling pastulan, at kakain ang mga pinatabang tupa at batang kambing sa nawasak na lungsod ng mga mayayaman.

18Kahabag-habag kayong binubuntutan sa kasalanan kayong paghahabi ng kasinungalingan ang pinagkakaabalahan, hindi na kayo makakawala sa gapos ng inyong panlilinlang.

19Sinasabi nʼyo pa, “Bilis-bilisan sana ng Banal na Diyos ng Israel na gawin ang sinabi niyang kaparusahan upang makita na namin. Magkatotoo na nga ang kanyang plano, upang malaman namin ito.”

20Kahabag-habag kayong mga nagsasabi na ang masama ay mabuti at ang mabuti ay masama. Ang kadiliman ay sinasabi ninyong liwanag at ang liwanag ay sinasabi ninyong kadiliman. Ang mapait ay sinasabi ninyong matamis at ang matamis ay sinasabi ninyong mapait.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.