Isaias 5

Kahabag-habag kayong mga nagsasabi na ang masama ay mabuti at ang mabuti ay masama. Ang kadiliman ay sinasabi ninyong liwanag at ang liwanag ay sinasabi ninyong kadiliman. Ang mapait ay sinasabi ninyong matamis at ang matamis ay sinasabi ninyong mapait.

Isaiah 5:20 (UKJV) Woe unto them that call evil good, and good evil; that put darkness for light, and light for darkness; that put bitter for sweet, and sweet for bitter!

18Kahabag-habag kayong binubuntutan sa kasalanan kayong paghahabi ng kasinungalingan ang pinagkakaabalahan, hindi na kayo makakawala sa gapos ng inyong panlilinlang.

19Sinasabi nʼyo pa, “Bilis-bilisan sana ng Banal na Diyos ng Israel na gawin ang sinabi niyang kaparusahan upang makita na namin. Magkatotoo na nga ang kanyang plano, upang malaman namin ito.”

20Kahabag-habag kayong mga nagsasabi na ang masama ay mabuti at ang mabuti ay masama. Ang kadiliman ay sinasabi ninyong liwanag at ang liwanag ay sinasabi ninyong kadiliman. Ang mapait ay sinasabi ninyong matamis at ang matamis ay sinasabi ninyong mapait.

21Kahabag-habag kayo, kayong mga nag-aakalang kayoʼy marurunong at matatalino.

22Kahabag-habag kayo, kayong malalakas uminom ng alak at bihasa sa pagtitimpla nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.