Isaias 5

Ang bayang Israel ang ubasan ng Panginoon ng mga Hukbo. Ang sambayanan ng Juda ang tanim na ikinatutuwa niya. Umasa siyang makakita ng katarungan, subalit pang-aapi ang kanyang natagpuan. Umasa siyang makakita ng katuwiran, ngunit sa halip, iyak ng kahirapan ang kanyang napakinggan.

Isaiah 5:7 (UKJV) For the vineyard of the LORD of hosts is the house of Israel, and the men of Judah his pleasant plant: and he looked for judgment, but behold oppression; for righteousness, but behold a cry.

5Sasabihin ko sa inyo ang gagawin ko sa ubasan ko. Aalisin ko ang halamang bumabakod dito, at itoʼy masisira; wawasakin ko ang pader nito, at itoʼy tatapak-tapakan.

6Pababayaan ko na lang ito at hindi na aalagaan. Hindi ko na rin ito puputulan ng mga sanga o bubungkalin. Hahayaan ko na lang ito na matabunan ng mga damo at matitinik na halaman. At ang mga ulap ay aking uutusan na huwag itong patakan ng ulan.”

7Ang bayang Israel ang ubasan ng Panginoon ng mga Hukbo. Ang sambayanan ng Juda ang tanim na ikinatutuwa niya. Umasa siyang makakita ng katarungan, subalit pang-aapi ang kanyang natagpuan. Umasa siyang makakita ng katuwiran, ngunit sa halip, iyak ng kahirapan ang kanyang napakinggan.

8Nakakaawa kayong mga nagpaparami ng mga bahay at nagpapalawak ng inyong mga lupain hanggang sa wala nang lugar para sa iba at kayo na lang ang nakatira sa lupaing ito.

9Sinabi sa akin ng Panginoong Makapangyarihan, “Tiyak na mapapabayaan ang malalaki at magagarang bahay na ito at wala nang titira dito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.