Isaias 52

Kayong mga tagapagdala ng mga kagamitan ng bahay ng Panginoon, umalis na kayo sa Babilonia. Huwag kayong hihipo ng mga bagay na itinuturing na marumi. Umalis na kayo sa Babilonia, at magpakabanal.

Isaiah 52:11 (UKJV) Depart all of you, depart all of you, go all of you out from thence, touch no unclean thing; go all of you out of the midst of her; be all of you clean, that bear the vessels of the LORD.

9Sama-sama kayong umawit nang may kagalakan, mga guho ng Jerusalem, sapagkat inaliw ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan. Iniligtas niya ang Jerusalem!

10Ipapakita ng Panginoon ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos.

11Kayong mga tagapagdala ng mga kagamitan ng bahay ng Panginoon, umalis na kayo sa Babilonia. Huwag kayong hihipo ng mga bagay na itinuturing na marumi. Umalis na kayo sa Babilonia, at magpakabanal.

12Ngunit ngayon, hindi nʼyo na kailangang magmadali sa pag-alis, na para bang tumatakas. Sapagkat ang Panginoon ang mangunguna sa inyo. Ang Diyos ng Israel ang magtatanggol sa inyo.

13Sinabi ng Panginoon, “Ang aking lingkod ay magtatagumpay. Magiging tanyag siya at pararangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.