Isaias 52

Ipapakita ng Panginoon ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos.

Isaiah 52:10 (UKJV) The LORD has made bare his holy arm in the eyes of all the nations; and all the ends of the earth shall see the salvation of our God.

8Sumisigaw sa tuwa ang mga tagapagbantay ng lungsod; sabay-sabay silang umaawit sa galak, dahil makikita mismo ng kanilang mga mata ang pagbabalik ng Panginoon sa Zion.

9Sama-sama kayong umawit nang may kagalakan, mga guho ng Jerusalem, sapagkat inaliw ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan. Iniligtas niya ang Jerusalem!

10Ipapakita ng Panginoon ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos.

11Kayong mga tagapagdala ng mga kagamitan ng bahay ng Panginoon, umalis na kayo sa Babilonia. Huwag kayong hihipo ng mga bagay na itinuturing na marumi. Umalis na kayo sa Babilonia, at magpakabanal.

12Ngunit ngayon, hindi nʼyo na kailangang magmadali sa pag-alis, na para bang tumatakas. Sapagkat ang Panginoon ang mangunguna sa inyo. Ang Diyos ng Israel ang magtatanggol sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.