1Sinong naniwala sa aming ibinalita? At kanino inihayag ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan?
2Ang kanyang lingkod ay lumago sa harapan niya na katulad ng isang tanim na sumisibol mula sa tuyong lupa. Wala siyang kagandahan o kadakilaan para maakit tayo sa kanya. Walang anuman sa kanyang hitsura para magustuhan natin siya.
3Hinamak siya at itinakwil ng mga tao. Dumanas siya ng mga sakit at hirap. Tinalikuran natin siya, hinamak, at isinawalang-bahala.
4Ang totoo, pinasan niya ang mga sakit natin, at tiniis ang mga pighating dapat sanaʼy ating dadanasin. Inakala nating siyaʼy pinarusahan ng Diyos, sinaktan at pinahirapan.
5Subalit, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; dinurog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ay nagdulot sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, tayoʼy may kagalingan.