5Subalit, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; dinurog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ay nagdulot sa atin ng kapayapaan. At dahil sa kanyang mga sugat, tayoʼy may kagalingan.
6Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw. Bawat isa sa atin ay gumawa ng nais nating gawin. Ngunit siya ang pinarusahan ng Panginoon ng parusang dapat sana ay para sa ating lahat.
7Inapi siya at sinaktan, ngunit hindi man lang dumaing. Para siyang tupang dadalhin sa katayan upang patayin, o tupang gugupitan na hindi man lang umiimik.
8Hinuli siya, hinatulan, at pinatay. Walang nakaisip, isa man sa mga salinlahi niya, na pinatay siya dahil sa kanilang mga kasalanan, at kinitil nang maaga ang kanyang buhay, at tiniis niya ang parusang dapat sana ay para sa kanila.
9Kahit na wala siyang ginawang kasalanan at anumang pandaraya, inilibing siyang parang isang kriminal; inilibing siyang kasama ng mga mayayaman.