Isaias 54

Makinig ka! Ako ang lumikha ng mga panday na nagpapaningas ng apoy at gumagawa ng mga sandata. Ako rin ang lumikha ng mga namumuksang gumagamit ng mga sandatang ito para manglipol.

Isaiah 54:16 (UKJV) Behold, I have created the smith that blows the coals in the fire, and that brings forth an instrument for his work; and I have created the destroyer to destroy.

14Magiging matatag ka dahil mamumuhay nang matuwid ang mga mamamayan mo. Tatakas ang mga kaaway mo, kaya wala kang dapat katakutan. Hindi na makakalapit sa iyo ang iyong mga kaaway para takutin ka.

15Kung may lulusob sa iyo, hindi ko iyon kalooban. Susuko sila sa iyo.

16Makinig ka! Ako ang lumikha ng mga panday na nagpapaningas ng apoy at gumagawa ng mga sandata. Ako rin ang lumikha ng mga namumuksang gumagamit ng mga sandatang ito para manglipol.

17Walang anumang sandatang nagawa ang magtatagumpay laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang laban sa iyo. Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod. Bibigyan ko sila ng tagumpay,” sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.