Isaias 56

Sapagkat ang mga pinuno ng Israel, silang mga tagapagbantay at mga pastol, ay parang mga bulag at mga walang nalalaman. Para silang mga asong hindi tumatahol. Ang gusto nilaʼy mahiga, matulog, at managinip.

Isaiah 56:10 (UKJV) His watchmen are blind: they are all ignorant, they are all dumb dogs, they cannot bark; sleeping, lying down, loving to slumber.

8Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon na nagtipon sa mga Israelitang nabihag, “Titipunin ko pa ang iba, maliban doon sa mga natipon ko na.”

9Lumapit kayo at lipulin sila, kayong lahat ng mga bansa na tulad ng mababangis na hayop.

10Sapagkat ang mga pinuno ng Israel, silang mga tagapagbantay at mga pastol, ay parang mga bulag at mga walang nalalaman. Para silang mga asong hindi tumatahol. Ang gusto nilaʼy mahiga, matulog, at managinip.

11Para silang mga asong matatakaw na walang kabusugan. Ang mga tagapag-alaga ng Israel ay walang pang-unawa. Ang bawat isa sa kanilaʼy gumagawa ng kahit anong gusto nila, at ang pansariling kapakanan lang ang kanilang pinagkakaabalahan.

12Sinabi pa nila, “Halikayo, kumuha tayo ng inumin at maglasing! Ang bukas ay tulad lang din ng sa ngayon, o di kayaʼy mas mabuti pa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.