Isaias 56

Huwag isipin ng mga dayuhang nag-alay ng kanilang sarili sa Panginoon na hindi sila ibibilang ng Panginoon sa kanyang mga mamamayan. Huwag ding isipin ng mga opisyal na nagpakapon na dahil hindi na sila magkakaanak, ay hindi sila maaaring ibilang sa mga mamamayan ng Diyos.

Isaiah 56:3 (UKJV) Neither let the son of the stranger, that has joined himself to the LORD, speak, saying, The LORD has utterly separated me from his people: neither let the eunuch say, Behold, I am a dry tree.

1Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran dahil malapit ko na kayong iligtas.

2Mapalad ang mga taong gumagawa nito, ang taong nagpapanatili nito, Mapalad silang mga sumusunod sa mga ipinapagawa ko sa Araw ng Pamamahinga at hindi nilalapastangan ito. Mapalad din ang taong hindi gumagawa ng masama.”

3Huwag isipin ng mga dayuhang nag-alay ng kanilang sarili sa Panginoon na hindi sila ibibilang ng Panginoon sa kanyang mga mamamayan. Huwag ding isipin ng mga opisyal na nagpakapon na dahil hindi na sila magkakaanak, ay hindi sila maaaring ibilang sa mga mamamayan ng Diyos.

4Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, “Pagpapalain ko ang mga opisyal nagpakapon na sumusunod sa mga ipinapagawa ko sa Araw ng Pamamahinga at gumagawa ng mga bagay na nakakalugod sa akin, at tumutupad sa aking kasunduan.

5Papayagan ko silang makapasok sa aking Templo at pararangalan ko sila nang higit pa sa karangalang ibibigay sa kanila kung silaʼy nagkaanak. At hindi sila makakalimutan ng mga tao magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.