Isaias 56

Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.”

Isaiah 56:7 (UKJV) Even them will I bring to my holy mountain, and make them joyful in my house of prayer: their burnt offerings and their sacrifices shall be accepted upon mine altar; for mine house shall be called an house of prayer for all people.

5Papayagan ko silang makapasok sa aking Templo at pararangalan ko sila nang higit pa sa karangalang ibibigay sa kanila kung silaʼy nagkaanak. At hindi sila makakalimutan ng mga tao magpakailanman.

6Pagpapalain ko rin ang mga dayuhang nag-alay ng sarili nila sa Panginoon para paglingkuran ako, mahalin, sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga, hindi ito nilalapastangan, at tumutupad sa aking kasunduan.

7Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.”

8Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon na nagtipon sa mga Israelitang nabihag, “Titipunin ko pa ang iba, maliban doon sa mga natipon ko na.”

9Lumapit kayo at lipulin sila, kayong lahat ng mga bansa na tulad ng mababangis na hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.