Isaias 56

Pagpapalain ko rin ang mga dayuhang nag-alay ng sarili nila sa Panginoon para paglingkuran ako, mahalin, sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga, hindi ito nilalapastangan, at tumutupad sa aking kasunduan.

Isaiah 56:6 (UKJV) Also the sons of the stranger, that join themselves to the LORD, to serve him, and to love the name of the LORD, to be his servants, every one that keeps the sabbath from polluting it, and takes hold of my covenant;

4Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, “Pagpapalain ko ang mga opisyal nagpakapon na sumusunod sa mga ipinapagawa ko sa Araw ng Pamamahinga at gumagawa ng mga bagay na nakakalugod sa akin, at tumutupad sa aking kasunduan.

5Papayagan ko silang makapasok sa aking Templo at pararangalan ko sila nang higit pa sa karangalang ibibigay sa kanila kung silaʼy nagkaanak. At hindi sila makakalimutan ng mga tao magpakailanman.

6Pagpapalain ko rin ang mga dayuhang nag-alay ng sarili nila sa Panginoon para paglingkuran ako, mahalin, sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga, hindi ito nilalapastangan, at tumutupad sa aking kasunduan.

7Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.”

8Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon na nagtipon sa mga Israelitang nabihag, “Titipunin ko pa ang iba, maliban doon sa mga natipon ko na.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.