Isaias 57

Sasabihin ko: “Ayusin ninyo ang kalsada! Tanggalin ang mga bato at ihanda ito para sa pagbabalik ng aking mga mamamayan.”

Isaiah 57:14 (UKJV) And shall say, Cast all of you up, cast all of you up, prepare the way, take up the stumbling block out of the way of my people.

12Ang akala ninyoʼy matuwid ang inyong ginagawa, ngunit ilalantad ko kung anong klaseng tao kayo.

13Tingnan natin kung maililigtas ba kayo ng inyong mga diyos-diyosan kapag dumaing kayo at humingi ng tulong sa kanila.”

14Sasabihin ko: “Ayusin ninyo ang kalsada! Tanggalin ang mga bato at ihanda ito para sa pagbabalik ng aking mga mamamayan.”

15Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos, ang Banal na Diyos na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, at kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, at silaʼy aking palalakasin at bubuhayin ang kanilang kalooban.

16Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin o uusigin habang panahon, dahil kung gagawin ko ito mamamatay ang mga taong nilikha ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.