Isaias 57

Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos, ang Banal na Diyos na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, at kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, at silaʼy aking palalakasin at bubuhayin ang kanilang kalooban.

Isaiah 57:15 (UKJV) For thus says the high and lofty One that inhabits eternity, whose name is Holy; I dwell in the high and holy place, with him also that is of a contrite and humble spirit, to revive the spirit of the humble, and to revive the heart of the contrite ones.

13Tingnan natin kung maililigtas ba kayo ng inyong mga diyos-diyosan kapag dumaing kayo at humingi ng tulong sa kanila.”

14Sasabihin ko: “Ayusin ninyo ang kalsada! Tanggalin ang mga bato at ihanda ito para sa pagbabalik ng aking mga mamamayan.”

15Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos, ang Banal na Diyos na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, at kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, at silaʼy aking palalakasin at bubuhayin ang kanilang kalooban.

16Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin o uusigin habang panahon, dahil kung gagawin ko ito mamamatay ang mga taong nilikha ko.

17Nagalit ako dahil sa kasalanan at kasakiman ng Israel, kaya pinarusahan ko sila at itinakwil. Ngunit patuloy pa rin sila sa pagiging suwail.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.