Isaias 57

Ang mga batong makikinis sa mga daluyan ng tubig ay ginagawa ninyong diyos at sinasamba sa pamamagitan ng paghahandog ng pagkain at inumin. Hindi ako natutuwa sa ginagawa ninyong iyan.

Isaiah 57:6 (UKJV) Among the smooth stones of the stream is your portion; they, they are your lot: even to them have you poured a drink offering, you have offered a food offering. Should I receive comfort in these?

4Sino ba ang inyong kinukutya, na nagagawa pa ninyong ngumiwi-ngiwi at dumila-dila? Hindi baʼt kayo ay mga rebelde at sa mga sinungaling nagmula?

5Sinasamba ninyo ang inyong mga diyos-diyosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy na itinuturing ninyong banal. Inaalay ninyo ang inyong mga anak doon sa mga lambak; sa may mga matatalas na bato sa bangin.

6Ang mga batong makikinis sa mga daluyan ng tubig ay ginagawa ninyong diyos at sinasamba sa pamamagitan ng paghahandog ng pagkain at inumin. Hindi ako natutuwa sa ginagawa ninyong iyan.

7Umaakyat kayo sa mga matataas na bundok at nag-aalay ng inyong mga handog doon at nakikipagtalik.

8Inilalagay pa ninyo ang mga rebulto ng inyong mga diyos-diyosan malapit sa pintuan ng inyong mga bahay. Itinatakwil ninyo ako. Para kayong babaeng mangangalunya na nahiga sa malapad niyang higaan at pumayag na sumiping sa kanyang kalaguyo. Gustong-gusto niyang makipagtalik sa kalaguyo niya. Talagang nagpapakasawa siya sa pita ng kanyang laman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.