Isaias 58

Sinasabi pa nila sa akin, ‘Nag-ayuno kami, ngunit hindi nʼyo man lamang pinansin. Nagpapakahirap kami, ngunit binalewala ninyo.’ “Ang totoo, habang nag-aayuno kayo, ang sarili ninyong kapakanan ang inyong iniisip. Inaapi ninyo ang inyong mga manggagawa.

Isaiah 58:3 (UKJV) Wherefore have we fasted, say they, and you see not? wherefore have we afflicted our soul, and you take no knowledge? Behold, in the day of your fast all of you find pleasure, and exact all your labours.

1“Sumigaw kayo nang malakas na kasinlakas ng trumpeta! Huwag ninyong pigilan! Sabihin ninyo sa aking mga mamamayan na lahi ni Jacob ang kanilang mga kasalanan at mga pagsuway.

2Dumudulog sila sa akin araw-araw, at tila gusto nilang malaman ang aking mga pamamaraan. Kung titingnan, para bang isa silang bansang matuwid at hindi sumusuway sa mga utos ng Diyos. Ipinapakita nila na parang gustong-gusto nilang lumapit sa akin at humingi ng matuwid na hatol.

3Sinasabi pa nila sa akin, ‘Nag-ayuno kami, ngunit hindi nʼyo man lamang pinansin. Nagpapakahirap kami, ngunit binalewala ninyo.’ “Ang totoo, habang nag-aayuno kayo, ang sarili ninyong kapakanan ang inyong iniisip. Inaapi ninyo ang inyong mga manggagawa.

4Nag-aayuno nga kayo, ngunit nag-aaway-away naman kayo, nagtatalo, at nagsusuntukan pa. Huwag ninyong iisipin na ang ginagawa ninyong pag-aayuno ngayon ay makakatulong para dinggin ko ang inyong dalangin.

5Kapag nag-aayuno kayo, nagpepenitensya kayo. Yumuyuko kayo na parang mga damong kugon. Nagsusuot kayo ng damit na panluksa at humihiga sa abo. Iyan ba ang tinatawag ninyong ayuno? Akala ba ninyoʼy nakakalugod iyon sa Panginoon?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.