Isaias 6

Sinabi ko, “Kahabag-habag ako! Tiyak na mapapahamak ako, sapagkat akoʼy may maruming labi at naninirahan ako sa kasama ng mga taong marurumi rin ang pananalita. At ngayon, nakita ko ang Hari, ang Panginoon ng mga Hukbo.”

Isaiah 6:5 (UKJV) Then said I, Woe is me! for I am undone; because I am a man of unclean lips, and I dwell in the midst of a people of unclean lips: for mine eyes have seen the King, the LORD of hosts.

3Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang Panginoon ng mga Hukbo! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”

4Sa lakas ng tinig nila, nayanig ang mga pundasyon ng templo at napuno ng usok ang loob ng templo.

5Sinabi ko, “Kahabag-habag ako! Tiyak na mapapahamak ako, sapagkat akoʼy may maruming labi at naninirahan ako sa kasama ng mga taong marurumi rin ang pananalita. At ngayon, nakita ko ang Hari, ang Panginoon ng mga Hukbo.”

6Pagkatapos, lumipad ang isa sa mga makalangit na nilalang papunta sa akin, may dala siyang baga na kinuha niya sa altar.

7Idinampi niya ang baga sa aking bibig at sinabi, “Tingnan mo, dumampi na ito sa iyong bibig. Ang iyong pagkakasala ay naalis na at ikaʼy pinatawad na.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.