2O Jerusalem, makikita ng mga bansa at ng kanilang mga hari ang iyong tagumpay, katuwiran, at ang iyong kapangyarihan. Bibigyan ka ng Panginoon ng bagong pangalan.
3Ikaw ay magiging parang koronang maganda sa kamay ng Panginoon na iyong Diyos.
4Hindi ka na tatawaging, “Itinakwil” o “Pinabayaan”. Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Diyos” o “Ikinasal sa Diyos”, sapagkat ang Panginoon ay nalulugod at para bang ikaw ay ikakasal sa kanya.
5Tulad ng binatang ikakasal sa isang dalaga, pakakasalan ka rin ng iyong Manlilikha. At kung papaanong nagagalak ang lalaking ikakasal sa kanyang kasintahan, ang iyong Diyos ay nagagalak din sa iyo.
6Jerusalem, nagtalaga ako ng mga tagapagbantay sa iyong mga pader. Hindi sila titigil araw-gabi sa pagbibigay ng babala sa mga mamamayan mo. Kayong mga nananalangin sa Panginoon, huwag kayong titigil sa inyong pananalangin.