Isaias 62

Ikaw ay magiging parang koronang maganda sa kamay ng Panginoon na iyong Diyos.

Isaiah 62:3 (UKJV) You shall also be a crown of glory in the hand of the LORD, and a royal diadem in the hand of your God.

1Dahil sa mahal ko ang Jerusalem, hindi ako tatahimik hanggaʼt hindi dumarating ang kanyang tagumpay at katuwiran na parang nagbubukang-liwayway; at hanggang sa mapasakanya ang kanyang kaligtasan na parang nagniningas na sulo.

2O Jerusalem, makikita ng mga bansa at ng kanilang mga hari ang iyong tagumpay, katuwiran, at ang iyong kapangyarihan. Bibigyan ka ng Panginoon ng bagong pangalan.

3Ikaw ay magiging parang koronang maganda sa kamay ng Panginoon na iyong Diyos.

4Hindi ka na tatawaging, “Itinakwil” o “Pinabayaan”. Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Diyos” o “Ikinasal sa Diyos”, sapagkat ang Panginoon ay nalulugod at para bang ikaw ay ikakasal sa kanya.

5Tulad ng binatang ikakasal sa isang dalaga, pakakasalan ka rin ng iyong Manlilikha. At kung papaanong nagagalak ang lalaking ikakasal sa kanyang kasintahan, ang iyong Diyos ay nagagalak din sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.