2Kung papaanong pinapaliyab ng apoy ang mga tuyong sanga at pinapakulo ang tubig, sa inyong pagdating ay manginginig ang mga bansang kaaway ninyo, at malalaman nila kung sino kayo.
3Noong kayoʼy bumaba at gumawa ng mga kahanga-hangang bagay na hindi namin inaasahan, nayanig ang mga bundok sa inyong harapan.
4Mula pa noong unang panahon, wala pang taingang nakarinig, wala pang matang nakakita sa Diyos maliban sa inyo na kumikilos para sa sinumang nagtitiwala sa kanya.
5Tinatanggap ninyo ang mga nagagalak na gumawa ng matuwid at sumusunod sa inyong mga pamamaraan. Ngunit dahil patuloy naming sinusuway ang inyong mga kapamaraanan, nagalit po kayo sa amin. Kaya papaano kami maliligtas?
6Kaming lahat ay naging marumi at madungis, at ang lahat ng aming mabubuting gawa ay parang maruming basahan. Kaming lahat ay parang dahong natutuyo, at ang aming kasamaan ay parang hangin na tumatangay sa amin.