10Pagpalain ko silang mga lumalapit sa akin. Ang mga Lambak ng Saron at Acor ay magiging pastulan ng kanilang mga hayop.
11“Ngunit dahil itinakwil ninyo Panginoon at binalewala ang banal niyang Templo, at dahil naghandog kayo sa mga diyos-diyosang inyong pinaniniwalaan na magbibigay sa inyo ng suwerte at magandang kapalaran,
12kaya inilaan ko sa inyong lahat ang kapalarang mamamatay. Sapagkat nang tumawag ako, hindi kayo sumagot; nang nagsalita ako, hindi kayo nakinig. Gumawa kayo ng masama sa aking harapan; kung ano ang ayaw ko, iyon ang ginagawa ninyo.”
13Kaya ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang aking mga lingkod ay kakain at iinom, ngunit kayoʼy magugutom at mauuhaw. Matutuwa sila, ngunit kayoʼy mapapahiya.
14Aawit sila sa tuwa, ngunit kayoʼy iiyak sa lungkot at sama ng loob.