Isaias 65

Kaya ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang aking mga lingkod ay kakain at iinom, ngunit kayoʼy magugutom at mauuhaw. Matutuwa sila, ngunit kayoʼy mapapahiya.

Isaiah 65:13 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD, Behold, my servants shall eat, but all of you shall be hungry: behold, my servants shall drink, but all of you shall be thirsty: behold, my servants shall rejoice, but all of you shall be ashamed:

11“Ngunit dahil itinakwil ninyo Panginoon at binalewala ang banal niyang Templo, at dahil naghandog kayo sa mga diyos-diyosang inyong pinaniniwalaan na magbibigay sa inyo ng suwerte at magandang kapalaran,

12kaya inilaan ko sa inyong lahat ang kapalarang mamamatay. Sapagkat nang tumawag ako, hindi kayo sumagot; nang nagsalita ako, hindi kayo nakinig. Gumawa kayo ng masama sa aking harapan; kung ano ang ayaw ko, iyon ang ginagawa ninyo.”

13Kaya ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang aking mga lingkod ay kakain at iinom, ngunit kayoʼy magugutom at mauuhaw. Matutuwa sila, ngunit kayoʼy mapapahiya.

14Aawit sila sa tuwa, ngunit kayoʼy iiyak sa lungkot at sama ng loob.

15Ang inyong mga pangalan ay susumpain ng aking mga pinili, at ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang papatay sa inyo. Ngunit ang aking mga lingkod ay bibigyan ko ng bagong pangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.