Isaias 65

“Doon ay walang mamamatay na sanggol o bata pa. Ang sinumang mamamatay sa gulang na isang daang taon ay ituturing na bata pa, at ang mamamatay nang hindi pa umaabot sa isang daang taon ay ituturing na pinarusahan ko.

Isaiah 65:20 (UKJV) There shall be no more thence an infant of days, nor an old man that has not filled his days: for the child shall die an hundred years old; but the sinner being an hundred years old shall be accursed.

18Kaya magalak kayo at magdiwang nang walang hanggan sa aking gagawin. Sapagkat ang Jerusalem ay gagawin kong kagalakan ng mga tao, at ang kanyang mga mamamayan ay magbibigay din ng kagalakan.

19Magagalak ako sa Jerusalem at sa kanyang mga mamamayan. Hindi na maririnig doon ang iyakan at paghingi ng tulong o mga pagdaing.

20“Doon ay walang mamamatay na sanggol o bata pa. Ang sinumang mamamatay sa gulang na isang daang taon ay ituturing na bata pa, at ang mamamatay nang hindi pa umaabot sa isang daang taon ay ituturing na pinarusahan ko.

21Sa mga panahong iyon, magtatayo ang aking mga mamamayan ng mga bahay at titirhan nila ito. Magtatanim sila ng mga ubas at sila rin ang aani ng mga bunga nito.

22Hindi na ang mga kaaway nila ang makikinabang sa kanilang mga bahay at mga pananim. Sapagkat kung papaanong ang punongkahoy ay nabubuhay nang matagal, ganoon din ang aking mga mamamayan at lubos nilang pakikinabangan ang kanilang pinaghirapan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.