16Ang sinumang magsasabi ng pagpapala o manunumpa sa lupain ng Israel, gagawin niya ito sa pangalan ko, ang Diyos na tapat. Sapagkat kakalimutan ko na ang mga nagdaang hirap, at itoʼy papawiin ko na sa aking paningin.
17“Makinig kayo! Gagawa ako ng bagong langit at bagong lupa. Ang dating langit at lupa ay kakalimutan na.
18Kaya magalak kayo at magdiwang nang walang hanggan sa aking gagawin. Sapagkat ang Jerusalem ay gagawin kong kagalakan ng mga tao, at ang kanyang mga mamamayan ay magbibigay din ng kagalakan.
19Magagalak ako sa Jerusalem at sa kanyang mga mamamayan. Hindi na maririnig doon ang iyakan at paghingi ng tulong o mga pagdaing.
20“Doon ay walang mamamatay na sanggol o bata pa. Ang sinumang mamamatay sa gulang na isang daang taon ay ituturing na bata pa, at ang mamamatay nang hindi pa umaabot sa isang daang taon ay ituturing na pinarusahan ko.