15Ang inyong mga pangalan ay susumpain ng aking mga pinili, at ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang papatay sa inyo. Ngunit ang aking mga lingkod ay bibigyan ko ng bagong pangalan.
16Ang sinumang magsasabi ng pagpapala o manunumpa sa lupain ng Israel, gagawin niya ito sa pangalan ko, ang Diyos na tapat. Sapagkat kakalimutan ko na ang mga nagdaang hirap, at itoʼy papawiin ko na sa aking paningin.
17“Makinig kayo! Gagawa ako ng bagong langit at bagong lupa. Ang dating langit at lupa ay kakalimutan na.
18Kaya magalak kayo at magdiwang nang walang hanggan sa aking gagawin. Sapagkat ang Jerusalem ay gagawin kong kagalakan ng mga tao, at ang kanyang mga mamamayan ay magbibigay din ng kagalakan.
19Magagalak ako sa Jerusalem at sa kanyang mga mamamayan. Hindi na maririnig doon ang iyakan at paghingi ng tulong o mga pagdaing.