Isaias 65

Ang sinumang magsasabi ng pagpapala o manunumpa sa lupain ng Israel, gagawin niya ito sa pangalan ko, ang Diyos na tapat. Sapagkat kakalimutan ko na ang mga nagdaang hirap, at itoʼy papawiin ko na sa aking paningin.

Isaiah 65:16 (UKJV) That he who blesses himself in the earth shall bless himself in the God of truth; and he that swears in the earth shall swear by the God of truth; because the former troubles are forgotten, and because they are hid from mine eyes.

14Aawit sila sa tuwa, ngunit kayoʼy iiyak sa lungkot at sama ng loob.

15Ang inyong mga pangalan ay susumpain ng aking mga pinili, at ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang papatay sa inyo. Ngunit ang aking mga lingkod ay bibigyan ko ng bagong pangalan.

16Ang sinumang magsasabi ng pagpapala o manunumpa sa lupain ng Israel, gagawin niya ito sa pangalan ko, ang Diyos na tapat. Sapagkat kakalimutan ko na ang mga nagdaang hirap, at itoʼy papawiin ko na sa aking paningin.

17“Makinig kayo! Gagawa ako ng bagong langit at bagong lupa. Ang dating langit at lupa ay kakalimutan na.

18Kaya magalak kayo at magdiwang nang walang hanggan sa aking gagawin. Sapagkat ang Jerusalem ay gagawin kong kagalakan ng mga tao, at ang kanyang mga mamamayan ay magbibigay din ng kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.