7Gagantihan ko sila ng nararapat sa kanilang mga kasalanan pati sa mga kasalanan ng kanilang mga ninuno,” sabi ng Panginoon. “Sapagkat nagsunog sila ng mga insenso at nilapastangan ako sa mga bundok at mga burol. Kaya gagantihan ko sila ng nararapat sa kanilang mga ginawa.”
8Sinabi pa ng Panginoon, “Hindi sinisira ang kumpol ng ubas na may mga sirang bunga, dahil ang magandang bunga ay mapapakinabangan pa. Ganyan din ang gagawin ko sa aking mga mamamayan, hindi ko sila lilipulin lahat. Ililigtas ko ang mga naglilingkod sa akin.
9May ititira akong mga buháy sa mga lahi ni Jacob pati sa lahi ni Juda at sila ang magmamana ng aking lupain na may maraming bundok. Sila na aking mga pinili at mga lingkod ang siyang maninirahan sa lupaing ito.
10Pagpalain ko silang mga lumalapit sa akin. Ang mga Lambak ng Saron at Acor ay magiging pastulan ng kanilang mga hayop.
11“Ngunit dahil itinakwil ninyo Panginoon at binalewala ang banal niyang Templo, at dahil naghandog kayo sa mga diyos-diyosang inyong pinaniniwalaan na magbibigay sa inyo ng suwerte at magandang kapalaran,