Isaias 66

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?

Isaiah 66:1 (UKJV) Thus says the LORD, The heaven is my throne, and the earth is my footstool: where is the house that all of you build unto me? and where is the place of my rest?

1Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?

2Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito, kaya silaʼy nalikha?” wika ng Panginoon. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.

3Ngunit ganito naman ang magiging trato ko sa mga taong sumusunod sa sarili nilang kagustuhan at nagagalak sa kanilang mga ginagawang kasuklam-suklam: Kung papatay sila ng baka para ihandog, ituturing ko na parang pumatay sila ng tao. Kung maghahandog sila ng tupa, ituturing ko na parang pumatay sila ng aso. Kung mag-aalay sila ng handog na regalo, ituturing ko na parang naghandog sila ng dugo ng baboy. At kung magsusunog sila ng insenso bilang pag-alaala sa akin, ituturing ko na parang nagpupuri sila sa mga diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.