Isaias 66

Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito, kaya silaʼy nalikha?” wika ng Panginoon. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.

Isaiah 66:2 (UKJV) For all those things has mine hand made, and all those things have been, says the LORD: but to this man will I look, even to him that is poor and of a contrite spirit, and trembles at my word.

1Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?

2Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito, kaya silaʼy nalikha?” wika ng Panginoon. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.

3Ngunit ganito naman ang magiging trato ko sa mga taong sumusunod sa sarili nilang kagustuhan at nagagalak sa kanilang mga ginagawang kasuklam-suklam: Kung papatay sila ng baka para ihandog, ituturing ko na parang pumatay sila ng tao. Kung maghahandog sila ng tupa, ituturing ko na parang pumatay sila ng aso. Kung mag-aalay sila ng handog na regalo, ituturing ko na parang naghandog sila ng dugo ng baboy. At kung magsusunog sila ng insenso bilang pag-alaala sa akin, ituturing ko na parang nagpupuri sila sa mga diyos-diyosan.

4Maliban diyan, padadalhan ko sila ng parusang labis nilang katatakutan. Sapagkat noong akoʼy tumawag, hindi sila sumagot; nang akoʼy nagsalita, hindi sila nakinig. Gumawa sila ng masama sa aking paningin at kung ano ang ayaw ko, iyon ang ginagawa nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.