10Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem, makigalak kayong kasama niya. At kayong mga umiiyak para sa kanya, makisaya kayo sa kanya,
11upang matamasa ninyo ang kanyang kasaganaan katulad ng sanggol na sumususo sa kanyang ina at nabusog.
12Sapagkat sinasabi ng Panginoon, “Pauunlarin ko ang Jerusalem at itoʼy magiging payapa. Dadalhin ko sa kanya ang kayamanan ng mga bansa na parang umaapaw na daluyan ng tubig. Kayoʼy matutulad sa isang sanggol na aalagaan, hahawakan, pasususuhin, at kakalungin ng kanyang ina.
13Aaliwin ko kayo doon sa Jerusalem, katulad ng isang inang umaaliw sa kanyang anak.”
14Kapag itoʼy nakita ninyong ginagawa ko na, magagalak kayo, at lalago na parang sariwang tanim. Ipapakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga lingkod, ngunit ipapakita niya ang kanyang galit sa kanyang mga kaaway.