Isaias 66

“Kung papaanong ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin ay mananatili magpakailanman,” pahayag ng Panginoon, “ang inyong lahi ay mananatili rin magpakailanman, at hindi kayo makakalimutan.

Isaiah 66:22 (UKJV) For as the new heavens and the new earth, which I will make, shall remain before me, says the LORD, so shall your seed and your name remain.

20At dadalhin nilang pauwi mula sa mga bansa ang lahat ng mga kababayan ninyo na nakasakay sa mga kabayo, sa mga mola, sa mga kamelyo, sa mga karwahe, at sa mga kariton,” wika ng Panginoon. “Dadalhin nila sila sa banal kong bundok sa Jerusalem bilang handog sa akin katulad ng ginagawa ng mga Israelita na naghahandog sa akin sa templo ng mga handog na pagkain, na nakalagay sa mga malinis na lalagyan.

21At ang iba sa kanila ay gagawin kong pari at mga Levita,” wika ng Panginoon.

22“Kung papaanong ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin ay mananatili magpakailanman,” pahayag ng Panginoon, “ang inyong lahi ay mananatili rin magpakailanman, at hindi kayo makakalimutan.

23Sa bawat Pista ng Bagong Buwan at sa bawat Araw ng Pamamahinga ang lahat ay sasamba sa akin,” sabi ng Panginoon.

24“At paglabas ng mga sumamba sa akin sa Jerusalem, makikita nila ang bangkay ng mga taong nagrebelde sa akin. Ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy na susunog sa kanila ay hindi napapawi. At pandidirian sila ng lahat ng tao.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.