Isaias 66

Dadalhin ko ba ang bansang ito sa araw ng kanyang kapanganakan, at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?” wika ng Panginoon. “Siyempre hindi! Hindi ko pipigilang maipanganak ito,” sabi ng Diyos.

Isaiah 66:9 (UKJV) Shall I bring to the birth, and not cause to bring forth? says the LORD: shall I cause to bring forth, and shut the womb? says your God.

7“Ang Jerusalem ay maitutulad sa isang babaeng manganganak; hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan ay nagsilang na ng sanggol.

8Sino ang nakarinig at nakakita ng katulad nito? May bansa ba o lupaing isinilang sa maikling panahon? Ngunit kapag nakaramdam na ng paghihirap ang Jerusalem, isisilang na ang kanyang mamamayan.

9Dadalhin ko ba ang bansang ito sa araw ng kanyang kapanganakan, at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?” wika ng Panginoon. “Siyempre hindi! Hindi ko pipigilang maipanganak ito,” sabi ng Diyos.

10Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem, makigalak kayong kasama niya. At kayong mga umiiyak para sa kanya, makisaya kayo sa kanya,

11upang matamasa ninyo ang kanyang kasaganaan katulad ng sanggol na sumususo sa kanyang ina at nabusog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.