6Naririnig nʼyo ba ang ingay sa lungsod at sa Templo? Iyan ang tinig ng Panginoon habang pinaghihigantihan niya ang kanyang mga kaaway.
7“Ang Jerusalem ay maitutulad sa isang babaeng manganganak; hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan ay nagsilang na ng sanggol.
8Sino ang nakarinig at nakakita ng katulad nito? May bansa ba o lupaing isinilang sa maikling panahon? Ngunit kapag nakaramdam na ng paghihirap ang Jerusalem, isisilang na ang kanyang mamamayan.
9Dadalhin ko ba ang bansang ito sa araw ng kanyang kapanganakan, at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?” wika ng Panginoon. “Siyempre hindi! Hindi ko pipigilang maipanganak ito,” sabi ng Diyos.
10Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem, makigalak kayong kasama niya. At kayong mga umiiyak para sa kanya, makisaya kayo sa kanya,