Isaias 8

Ako at ang mga anak ko na ibinigay ng Panginoon ay mga palatandaan para sa Israel mula sa Panginoon ng mga Hukbo na nakatira sa Bundok ng Zion.

Isaiah 8:18 (UKJV) Behold, I and the children whom the LORD has given me are for signs and for wonders in Israel from the LORD of hosts, which dwells in mount Zion.

16Kayong mga tagasunod ko, ingatan ninyo ang mga aral ko.

17Magtitiwala ako sa Panginoon kahit na tinalikuran niya ang lahi ni Jacob. Sa kanya ako aasa.

18Ako at ang mga anak ko na ibinigay ng Panginoon ay mga palatandaan para sa Israel mula sa Panginoon ng mga Hukbo na nakatira sa Bundok ng Zion.

19May mga nagsasabing humingi kayo ng patnubay mula sa mga kaluluwa ng mga patay at mga manghuhulang bumubulong-bulong. Hindi nga ba dapat humingi ang mga tao ng patnubay sa kanilang mga diyos? O kayaʼy humingi ng patnubay mula sa mga patay para sa mga buháy?

20Ang kautusan at babalang patotoo ng Diyos ang dapat ninyong hingan ng patnubay. Kapag may mga nagsasabi ng mga bagay na salungat sa salita niya, nasa kadiliman pa rin sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.