14Ako ang magiging kanlungan ninyo. Ngunit sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag.
15Marami sa kanila ang matitisod, madadapa at mapapahamak. Masisilo sila at mahuhuli.”
16Kayong mga tagasunod ko, ingatan ninyo ang mga aral ko.
17Magtitiwala ako sa Panginoon kahit na tinalikuran niya ang lahi ni Jacob. Sa kanya ako aasa.
18Ako at ang mga anak ko na ibinigay ng Panginoon ay mga palatandaan para sa Israel mula sa Panginoon ng mga Hukbo na nakatira sa Bundok ng Zion.